Wednesday 4 January 2012

Impeng Negro

           Impeng Negro           
  ni Rogelio Sikat  

       Si Impeng ang pangunahing tauhan sa kuwento. Kilala siya bilang Negro sa kanilang lugar dahil sa kaniyang itsura. May mga kapatid siyang sila Kano, Boyet at Diding, ngunit hindi katulad niya, mapuputi ang mga ito.
       Nagsimula ang kuwento sa kanilang barung-barong. Pinaaalahanan siya ng kaniyang ina na huwag ng makipag-away pa. Winika nitong pabayaan na lamang si Ogor matapos magbilin na ibili ang kapatid nitong si Boy ng gatas kila Taba. Nang marinig ang paalala ng ina, tila muntikan nang madapa si Impen nang maisip si Ogor.
       Itinuturing ni Ogor na kaaway si Impen noon pa man. Hindi nito nakakaligtaang mangutya kasama ang iba pang mga agwador sa tuwing malalagi ito sa gripo.
       Pagkaraa'y natanaw na nga ni Impen ang gripo. Naroon ang mga agwador pati na rin si Ogor na nagkakatuwaan, naghaharutan. Nang makarating na siya rito, nausal niyang huwag sana siyang maging paksa ng mga ito.
       Nakakaanim na karga na si Impen at may isa pang nagpapaigib. Naisip niyang baka tanghali na makauwi habang binibilang ang mga nakapilang mga balde. Napakainit noon at nais niya sanang sumilong sa tindahang naroon ngunit pinipigil niya ang kaniyang sarili dahil nandoon ang mga agwador at si Ogor. Kahit na nasusunog na ang kaniyang batok, likod at balikat ay tila binabaliwala parin nito ang mga tawag ni Ogor na may panunukso.
       Nagulat si Impen nang may tumawag sa kaniya mula sa likuran. Si Ogor iyon na pagkakataon na para sumahod. May galak na naglalaro sa isipan ni Impen dahil pagkatapos noon, aalis na si Ogor. Ngunit nang siya na ang sumasahod, may kamay na dumampi sa kaniyang balikat. Malapit lang pala ang pinaghatiran ni Ogor kaya't nakabalik ito agad at ngayo'y pinipilit agawin ang pila sa kaniya. Tumalsik ang kaniyang balde at natapon ang nalalbing tubig. Nagpasya itong umuwi na lamang ngunit ng pupulutin na niya ang balde, pinatid ito ni Ogor at nagkahiwa ang kaniyang pisngi. Napasigaw ito kay Ogor ngunit bugbog at sipa ang iginanti nito. Namimilipit si Impen sa sakit ngunit may kung anong nagpalakas sa kaniya. Sinunggaban nito si Ogor at nawalan si Ogor ng panimbang. Dinagukan nang dinagukan ni Impen si Ogor habang inaalala ang mga pangungutya nito. Nagpumilit si Ogor at pumaibabaw. Ito naman ang nandagok ngunit hindi din nagtagal. 
       Sumabog ang labi ni Ogor at tila nanghihina na at lumupaypay. Dadagukan pa sana ni Impen si Ogor ngunit ito'y sumuko na. Napakasaya ni Impen dahil si Ogor ay napasuko niya. Tiningnan niya ang mga tao sa kaniyang paligid at nakita niya ang paghanga. 

                                                                                                             Ibinuod ni:
Jenny Salinasan III-1

1 comment:

  1. Casinos in Malta - Filmfile Europe
    Find the https://tricktactoe.com/ best Casinos in Malta including bonuses, games, games and the history of games. We cover 토토 사이트 all the main 바카라사이트 reasons to visit Casinos 바카라 사이트 in jancasino

    ReplyDelete