Monday, 26 March 2012

Salaysay

Unang Markahan

Ikalawang Markahan


Ikatlong Marka










Add caption


Add caption


Add caption


Add caption


Add caption


Add caption

                                 Ikaapat na Markahan


                                                                                                             
                                                    
Juliet Sarmiento III-1

Sebandal


BUHAY 3RD YEAR!
       Taong 2011-2012, isang pinaka “challenging” na taon para sa akin. Lalo na para sa isang “transferee” na tulad ko. Hindi ko lubos akalain na makakapag-adjust ako agad, lalo na galing pa ako sa probinsya. Bisaya hanggang tagalog na lingguwahe pero napagtagumpayan ko ang lahat ng iyon.
        Siguro nakatulong sa akin sa pag-adjust ng madali ay halos lahat ng mga kaklase ko ay “transferee” din tulad ko. Nasa huling pangkat kami, ako ang lubos na pinagkakatiwalaan ng aming guro kaya sa akin nakaatas ang lahat ng mga tungkulin sa loob ng klase. Hindi ako sanay na maging isang lider, maging isang Presidente, minsan Kalihim na rin, at ito pa, tagasundo sa mga kaklase kong lumiliban sa klase sa mga “computer shop”. Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang lahat ng iyon sapagkat dati rati ay hindi ako tumatanggap ng anumang tungkulin sa loob ng klasrum dahil wala akong tiwala sa sarili ko na makakaya at mapapagtagumpayan ko ang anumang iniaatas sa akin.
       Sa tulong din ng mga matatalik ko na kaibigan, nalabanan ko ang aking mga pangamba sapagkat pinalalakas nila ang aking loob at naniniwala sila sa aking kakayahan. Minsan ‘pag wala silang gagawin ay tumutulong sila sa akin. Cathy, Jay, Cha , Brod at Gabx, maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo, ‘gaya na lang ng pagpapalakas ng loob ko, isa kayo sa mga inspirasyon ko . Kahit panggabi kami, Masaya pa rin ang gaming klase.
       Isang masamang balita para sa aming lahat ‘nung malaman naming ayaw ng bagong Prinsipal na may “3rd shift” kaya napagdesisyunan na maglilipatan. Naging malungkot ako sapagkat iniisip ko na magkawatak-watak kaming magkakaibigan at isa pa panibagong “adjustment period” na naman. Lalo pa itong nadagdagan nang malaman ko na sa unang pangkat ako malilipat, iniisip ko na ‘di ko kaya, pero buti na lang kasama ko pa rin sila maliban kay Jay na nasa pangkat tatlo pero okay lang sabay pa rin naman kaming umuwi at magkatabi lang an gaming klasrum.
       Ngayon, malapit na kami sa mga bago naming kaklase. Pati na rin sa mga guro na inaakala naming masyadong masungit at strikto ‘nung una. Masyado kaming pasaway sa aming mga guro, tawa dito, tawa doon…kulitan dito, kulitan doon…barahan dito, barahan doon…’yan ang buhay naming ngayon, masyadong pasaway pero nagmamahalan. Kahit marami na kaming mga bagong naging kaibigan, hindi pa rin mapapantayan ang dating samahan. Magkakasama pa rin kami ngayon at dama pa rin ang “ULTIMATE BARKADA EXPERIENCE”, lalo pang sumaya nang naging malapit sa amin si Dandy,lalong tumibay. .lalong sumaya.
    Kahit marami kaming ginagawa ngayon. .daming proyekto. .hindi pa rin nawawala ang jamming at bonding.Dinadaan lang sa ngiti ang pressure. Ito ako ngayon, ang dating walang tiwala sa sarili, ngayon malakas na ang loob, ang dating seryoso lalo na ‘pag napre-pressure, ngayon dinadaan lang sa mga ngiti at halakhak. Sa taong ito, natuto ako kung ‘panu makisama ng maayos, maging positibo sa lahat ng bagay at ‘yun nga, magkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan.
    “Maraming salamat sa mga naging kaibigan ko, Cathy, Jay , Cha , Brod , Gabx at Dandy, naging bahagi kayo ng 3rd year life ko. Ito ang pinakamasaya kong experience at sana tuloy-tuloy nato. Alam kong ang iba sa atin ay lilipat na ng paaralan, sana tuloy-tuloy pa rin ang ating pagkakaibigan.Hindi ko kayo makakalimutan.Sa mga guro naman na nagtiyaga sa aming kakulitan at naging bahagi ng paglalakbay kong ito,maraming salamat at naging inspirasyon ko kayo,nawa’y magkaroon pa kayo ng maraming taon sa pagtuturo para maging inspirasyon pa kayo ng marami at maibahagi niyo pa sa marami pang kabataan ang inyong mga kaalaman. Sa lahat naman ng 3rd year pangkat 1, maraming salamat din at naging mabuti kayo sa akin at sa aming magkakaibigan,sana magkakasama-sama pa tayo.
_____________________________________________________________________________________________
“ Damdamin mo’y ‘Di ko Maaruk
Mahal kita ‘di mo lang alam ,
Ewan ko kung ito’y iyong ramdam.
Takot akong damdami’y isugal,
Kaya ayokong iparamdam aking pagmamahal.

‘Pag ika’y ngparamdam ako’y kinakabahan,
‘Di ko alam kung bakit, ako’y palaging napapaisip.
Ako’y palaging nagdadalawang-isip,
Nagdadalawang-isip kung totoo ang iyong nararamdaman.

Kaba’y dinadaan ko sa tawa at biro,
Pinipisil ang pisngi,pero ika’y parang seryoso.
Gusto ko nang maniwala pero ayokong umasa,
  ‘Pagkat ayokong mabigo at sa huli’y luluha.

Hindi ko maaruk ang iyong damdamin,
Minsa’y nagagalit ‘pag ibay aking kakulitan.
Sadya bang ganyan ka lang? o may tinitimpi ka ring pagtingin?
Ewan ko ba isip ko’y nalilito kung sino sa atin ang unang umamin.

______________________________________________________

Ikaapat na Markahan





















Ikatlong Markahan

Ikalawang Markahan

Unang Markahan






Proyekto sa Filipino III

Mga Akda
 Ang Pamana

 Kinagisnang Balon

 Banyaga

 Isang Punongkahoy

 Sinag sa Karimlan

 Tata Selo

 Himala

Mga Gawain
 Tagline

 Mge Teorya

 Kantang malayo pa ang umaga

 Kantang Himala

 Liham Pasasalamat at Paghingi ng tawad
 









 Mga dapat taglayin ng taong naghahanap ng trabaho





 Slogan 
 Tula


Walang Kapantay

Pagmamahal ko sayo ay walang kapantay
kahit ang buhay ko ay handa kong ialay
makamit mo lang ang ginhawa sa buhay
sapagkat ang pagmamahal ko sayo ay tunay

pero paano ko ba sisimulan 
ako'y talagang kinakabahan
buti na lamang nakahanap ako ng paraan 
malamang ika'y naguluhan

Pero paabot muna ng iyong kamay
upang di na ko magpaligoy-ligoy pa
sabi ko sayo may sasabihin ako mamaya
ako'y nahihiya wag nalang kaya

Sa lahat ng panahon at sa bawat pagkakataon
pagmamahal ko'y palaging naroon
ang laman ng puso ko'y laging nakatuon
sa aking sinisinta nawa'y patnubayan ng poon


Unang Markahan
 Ikalawang Markahan
 Ikatlong Markahan



                                              Patrick L. Pama III-1
                                               Pangkat III