Sunday, 25 March 2012

MGA TINIPON AT PINAGSAMA-SAMANG GAWAIN BAWAT MARKAHAN:

UNANG MARKAHAN:




IKALAWANG MARKAHAN:



IKATLONG MAKAHAN:

                                       


IKA-APAT NA MARKAHAN:




ISAHANG KUHA NG BAWAT MGA AKDA, TAKDANG ARALIN,KOMPOSISYON AT AWITIN SA IKA-APAT NA MARKAHAN

ANG PAMANA


BANYAGA


KINAGISNANG BALON

 

TATA SELO

 

HIMALA ( AWITIN )


HIMALA


SINAG SA KARIMLAN



ISANG PUNONG KAHOY

 

KATANGIAN NI INA


MALAYO PA ( AWITIN )


MGA TEORYA


SLOGAN 1




SLOGAN 2



TULA



PAGAMIT NG MGA LARAWAN SA PAGBUO NG SALAYSAY

 

BUHAY KO BASAHIN MO!



LIHAM

 

MGA KURSONG KAPAKIPAKINABANG

MULING PAGSULAT:

TULA:
TUNAY NA PAG-IBIG

Noong una tayong magtapo ay minahal na kita
Na kahit hindi pa tayo lubusang magkakilala
Ay inibig na kita ng walang pag-aalinlangan.
Ano ba ang meron sa iyo at ngayo’y ako’y gulong-gulo?

Gusto ko sanang iparating ang damdamin ko
Na sana’y mayroon ka ring pagtingin.
Pag-ibig ko ito ay totoo
Ptutunayan sai iyong ikaw lang ang ibig ko.

Lahat ay aking gagawin
Upang ika’y makapiling
Na kahit ang huling sinko ay gagastusin,
Pagkat minamahal ka ng tunay.

At kahit anong mangyari’y di ito magbabago
Na kahit magmahal ka ng iba’y
Mananatili ka dito sa aking puso.
Pagkat ang pag-ibig ko sa iyo’y pang habang .buhay.

SALAYSAY :



                                                   

BUHAY KO BASAHIN MO!
     Tapos na ang bakasyon at ngayon ay pasukan na naman. Bagong taon,bagong pangkat , bagong silid, bagong mga guro, bagong mga kamag-aral at bagong mga gamit pang eskwela. Halos lahat ay bago, syempre mawawala ba naman ang mga bagong kanasan? Mga karanasang di natin malilimutan ung tatatak sa ating mga isip kahit taon pa man ang lumipas, maganda man ito o panget. Hindi rin mawawala ang mga unang pakiramdam ng mga estudyante tuwing unang araw ng pasukan, yung iba kinikilig dahil may mga gwapo at magaganda silang nakikita, pero karamihan ay kinakabahan.
     Tulad ko, unang araw ngayon ng pasukan di man ako kinikilig ngayon ay sobra naman ang kaba na aking nadarama. Kinakabahan ako sa kadahilanang baka di ako magustuhan ng bagong mundong aking narating isa pa ay baka di ako makasabay sa mga talagang naninirahan sa mundong ito. Bumababa ang tingin ko sa aking sarili at nagmistulan akong dayuhan o “alien” sa mundong ito. Pero ang lahat ng iyon ay napawi ng may biglang nagpunta sa aming silid para kumuhang ng boluntaryong mag titinda sa canteen, dahil nga sa kinakabahan naman ako sa loob n gaming silid ay isa ako sa nagboluntaryo ako at halos buong araw akong wala sa aming klase. Mag-uuwian na ng bigla akong may nalala at nakadama ako kalungkotan kasabay din nito ang pag-ambon mula sa aking mga mata. Naalala ko kasi ang mga dati kong kamag-aral, naalala ko ang mga panahong kasama ko sila at kami’y masaya, mga panahong puro kami kalukuhan, mga panahong nagdadamayan kami at higit sa lahat ay ang mga panahon na ang problema ng isa ay prblema ng lahat. Sumagi bigla sa aking isip na kahit ba kami ay magkakahiwalay-hiwalay na ay magiging ganun pa din an gaming samahan, na kahit mas mataas ang aking pangkat sa kanila aay di ito magiging hadlang para tratuhin pa din nila ako ng gaya ng dati.
     Sa paglipas ng mga araw ay di ko inaasahang makakapalagayan ko din ng loob ang mga bago kong kamag-aral, ngunit sadya nga sigurong mapaglaro ang tadhana , kasabay kasi nito ay nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan ko at ng mga dati kong kamag-ral na matatalik ko ring mga kaibigan. Nagtatampo kasi sila sa akin dahil hindi na ako nakakasama sa gala ng barkada masyado ko kasinhg pinagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral at ang pagtulong sa mga gawaing bahay at mga gawaing pang eskwela na din ng aking mga nakababatang kapatid. Iniwasan nila ako at nilayuan. Sinabi din nila sa akin na unahin ko na lang daw muna ang aking pag-aaral baka dahil pa daw sa kanila ay bumagsak ang aking mga marka. Labis akong nasakatan at tila ako’y isang taong sawi sa pag ibig, parang nadurog ang aking puso sapagkat ni minsan ay di ko na isip na kapag ako ay bumagsak sa klase ay isisisi ko ito sa kanila. Pero kahit na ganito ay umiwas at lumayo din ako sa kanila kahit alam kong mahiihirapan ako. Sa tuwing makikita ko silang masaya at natatanaw nila ako, pinakikita ko na okay lang ang lahat kahit na sa totoo lang ay miss na miss ko na sila. Pero kahi ganun ay masasabi ko paring di naman ganon kadamot ang tadhana sa akin kasi kahit my binawi siya sa akin ay pinalitan naman niya ito, binigyan niya ako ng mgfa bagong kaibigan na nagging sandalan ko noong mga panahong nasasaktan ako. Magtatapos na nman ngayon ang klase malapit na ang bakasyon. Ang kahilingan ko sa itaas na sana’y magkaayos na kami ng mga dati kong kaibigan ay natupad. Kaya nga yon ay masasabi ko na nagging masaya naman ang isang buong taon ko sa ikatlong taon. Salamat sa lahat,unang-una  salamat sa mga guro di lamang sa mga leksyon na inyong itinuro kundi para na rin sa pag-unawa,pagpapasensya at sa paggabay niyo pos a amin. Salamat din sa aking mga kamag-aral na nagging mga kaibigan ko ganun din sa mga hindi at sa mgakalog na bakla sa amning silid. Maraming salamat sa ikatlong taon.

                                                        

PROYEKTO NI: Bernadette A. Sanchez
III-1







1 comment: