Saturday, 24 March 2012

Proyekto Sa Filipino III

Kanta at Akda












Takdang Aralin at Gawain









 Mga Rebyu at Pagsusulit



Mga Proyekto ng Bawat Markahan







Baliw na Salaysay

Unkabogable Talaga!

Napakabongga ng aking buhay sa ikatlong taon. Dahil na rin napakasaya ng aming mga ginawa at kalokohan ngayong taong ito. Unahin muna natin ang mga friendship kong beki (mas kilala sa tawag na bakla). Kalog, baliw at nakakatawa talaga sila. Walang oras na hindi sasakit ang iyong tiyan sa kakatawa. Lagi man kaming pinapagalitan kais maingay kami at para daw kaming palengkera na nakikipagtagisan sa palakasan ng boses. Tampulan man kami ng kantyawan at pangoolay ng mga guro, ok lang sa'min dahil hindi kami kumpleto kung wala ito (Ano ito? Nag-eenjoy kapag pinapagalitan?)

Dumako naman tayo sa mga sisteret ko. Dahil sa kanila, naniniwala na akong daig pa ang SARS sa pagkalat ng kultura ng mga beki (Ansabe?). Madali na kasi nilang naiintindihan ang mga gay linggo namin, iyan tuloy, hindi na kami nakakapagtago ng sikreto. Napaka-supportive din nila sa PAGKAIN, sa tamang MANNERS at sa PAPEL. Sila din ang aming mga katuwang. Kaya karapat-dapat sila maging Best Supporting Classmate (Inuulit ko.. classmate hindi actress).

Hinding-hindi ko rin makakaligtaan ang aking mga naggagandahang guro. Syempre, kung wala sila, walang lamang kaalaman ang aming mga munting utak. Nakita ko na rin kung paano silang naging babaeng tigre, Rawr! Dala siguro ng kaingayan at kasamaan ng budhi namin (Over!). Pero, sa bawat sermon nila ay may kaakibat itong aral na tumatatak sa aming isipan. Joker din sila Ma'am. Lalong-lalo na si Gng. Mixto. Parang hindi kami pumasok sa klase ang nagiging dating kasi Comedy Bar ang labas kapag siya na ang bumanat. Bilang pagbubuod, naging makiulay katulad ng isang bahaghari at damit ni Tessa Prieto Valdez ang aming buhay bilang Juniors, panahon at alaalang aking pagkakaingatan. Unkabogable talaga!



Galing sa matabang utak at katawan ni 
Jimson Rodriguez Madrona III-1

Tula nga ba o Kabaliwan?

Huwag kang mag-alala


Puso kong patay na patay sa'yo,




Sa bawat sandali ikaw ang tibok nito.
Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon,
At sa mga problema'y naging solusyon.
Subalit tadhana'y hindi para sa'tin.
Kahit pag-ibig man natin ay tapat,
Subalit hindi natin ito pwedeng ipagpilitan.
Masakit man ay kailangan ko itong tanggapin.
Mahirap, mabigat at masakit,
Ito ang panang bumaon sa akin.
Isa man itong malaking sampal sa'kin,
Wala akong magagawa kundi mabuhay kasama nito.
Dinurog man nito ng pino ang aking puso,
Hinding-hindi ka maaalis sa aking isipan.
Mahal kita walang hanggan,
Kaya't huwag kang mag-alala.


Proyekto ni Jimson Rodriguez Madrona 
III-1
(Ikaapat na Markahan)

1 comment: