Saturday, 24 March 2012

Proyekto sa Filipino


 Ikaapat na Markahan 


 Banyaga







Mga babaing Nagtagumpay
 
 
 Sinag sa Karimlam
 
 




 Himala





 Kinagisnang Balon


  Slogan
  tula

 
“TAKOT KAHIT NAGMAMAHAL”
Takot ako na ika’y mawala
Dahil minsan na akong nadala
Takot na ako ay iwan mo
Kahit sa panahong  ito  magkasama tayo.

Ikaw lang ang nais kong makapiling,
Sa bawat araw ay laman nitong isip.
Ang mukha mong nakaukit sa aking paningin,
Nais ko sa bawat oras ay narito ka sa aking piling.

Minahal kita ng hindi ko sadya,
Ngunit mas mahal kita ng walang pandaraya
Hindi man masambit sa’yo ng aking  labi,
Pero  sa  puso’t  isip ko’y ito ay namamalagi.

Ang pag-ibig ko sa’yo ay mananatili
Ako o iba man ang iyong mapili,
Nangangamba  nab aka sa huli,
Ay magkahiwaly tayong muli.


 Tata Selo


 







 Tag Line 



 rebyu


Ang Punongkahoy

Kanta- Malayo Pa Ang Umaga
  


"Bagong Kabanata At Ang Pagbabalik"

 Nananabik ngunit may lungkot ang aking nadarama sa unang pasukan bilang nasaikatlong taon pangkat isa ng taong 2011-2012.Ito ang muli kong pagbabalik bilang mag-aaral. Pasukan na ngunit sa klaseng iyon ay hindi pa rin ako pumapasok sa silid, kasama ang matalik kong kaibigan na nasa ikaapat na taon, akin namang hinintay ang aming guro bago pumasok. Kapupunas ko pa lamang noon ng luha ko dahil sa sandaling pag-iyak. 

Nahihiya pa din ako sa halos dalawang linggo naming pagsasama ngunit nagbago na ito nang isaayos na ng puwesto sa pagkakasunod ng apelyido. Dito ko nakilala ang mga itinuturing kong mga kaibigan. Ilan lamang sa mga una kong nakilala ay sina Bernadette,Juliet Sarmiento at si Vanesa. Tuwing oras naman ng kainan o recess ay nagtutungo ako sa silid ng 4-1. Binibisita ko sila kahi sandali lang. Sa unang tatlong buwan ng aming klase ay may nalalaman na ako sa nga pinag-aralan pero kahit ganun ay hindi ko pa ring maiwasan ang hindi makisalamuha.

 Sa taong din ito ay napalayo sa akin ang isa sa mga kaibigan ko na si Vanesa. Naisip ko noon na kung kailan kami nagkakilala at halos siya na nag lagi kong kasama ay mawawala pa siya. Pero may komunikasyon pa rin naman kami. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil nakilala ko siya. Dito ko rin naranasan na makasali sa "top" at nasa unang pangkat pa. Umiyak ako noon dahil sa galak na nararamdaman ko at nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa biyaya na ito.

Dumating din ang mga bagong kaklase namin noong nasa ikatlong markahan na. Unang nagpahanga sa akin ay si ate Theresa. Sa klase din ito ay marami ang tumatawag sa ng "ATE SO" pero mas gusto ko ang tawag sa akin ay "JHECKA", kahit na may ate ay ayos lang. Halos kasing- edad ka lang naman sila at ang iba pa ay mas matanda sa akin pero tinatawag nila ako ng ganoon. 

Nagpapasalamat ako sa sa mga kamag-aral ko na kahit minsan ay inaasar nila at niloloko ako ay nandoon pa rin ang respeto at halaga ko bilang kaklase at ate. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga naging kaibigan ko at sa mga naranasan ko kasama sila.






 



 
Jessica Anne M. So III-1
 “

1 comment:

  1. nasaan ang iyong salaysay?

    iyon lang ang kulang!

    maganda...:)

    ReplyDelete