Tuesday, 17 January 2012

                  ANAK
        ni:Rory B. Quintos
          
       Ang istorya ay tungkol kay Josie , isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang isang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa kaniyang mga anak upang matustusan ang kanilang pangangailangan at mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

        Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay. Dito nagsimulang masuklam si Carla  sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng isang buwan.. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya.


       Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael  ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.
           
          Ninais na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya.

                  Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael.
            
                Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi.


                                                                                      Ibinuod ni: Vincent F. Moreno  III-1

Himala

Ishmael Bernal

Sa bayan ng Cupang,isang bayan kung saan nakatira si Elsa,ang taong nakakita sa Mahal na Birhen nasa tuktok ng isang burol.Ang lugar na ito ay di naniniwala sa Diyos kaya’t sari-saring  sakit ang dumapo doon at maraming masamang ginagawa ang mga tao hanggang sa isang araw ay napagkamalang manggagamot si Elsa dahil sa kanyang mga himalang ginagawa.Libo libong tao araw-araw ang dumadayo doon upang magpagamot.Naging tanyag siya nang dahil sa ginawa niyang himala kaya’t marami ang bumalik at nagtiwala sa Diyos ngunit isang araw habang nagsaslita si Elsa na walang himala,na nasa puso ng tao ang bawat himala ay may bumaril sa kanya subalit iyon ay namatay na katabi ang kaniyang ina. Ito ang naging simula upang patuloy silang sumamba sa Diyos na may likha sa atin. 

Jessica Anne M. So III-1
One True Love

    Sina Joy at Migs ang pangunahing tauhan s kuwento. Isang taon na silang magkasintahan at napagdesisyunan na ngang magpakasal.
      Tatlong buwan bago ang kasal, nagbalik si Bella mula Canada, ang dating kasintahan ni Migs. Inamin nitong mahal na mahal pa niya ang nobyo ngunit para kay Migs, ang lahat ay tapus nanoon pa man.
     Sa araw ng kanilang kasal, si Joy lang ang pinakatitigan ni Migs. Napakaganda nito, suot ang gown na puti, habang naglalakad papntang altar. At nang araw na ngang iyon, nakamit na ni Migs ang matamis na "I do" ni Joy.
     Hindi pa sila tumatagal bilang mag-asawa'y sinubok na sila agad ng tadhana. Naaksidente si Migs at nagka-amnesia. Wala siyang ibang matandaan kundi ang kaniyang pamilya, ang dating buhay, at si Bella. Nakalimutan na niya si Joy maging ang kasal nila.
     Pinilit ni Joy na ibalik sa dati at ipaalala kay Migs ang lahat. Ngunit ang tanging alam lang ni Migs ay si Bella ang mahal niya at gusto nitong makasama. Nakisama siya kay Joy kahit na wala parin siyang maalala ngunit kasabay nito ang panunuyo niyang mui kay Bella.
     Lubos nang nahihirapan si Joy sa sitwasyon nila ni Migs pero hindi parin sya sumusuko lalo pa't nalaman niyang buntis siya. Si Migs sa kablang banda ay nakipaghiwalay na sa kanya at sumama kay Bella.
     Kinausap ni Joy si Bella ngunit pati ito ay ayaw ding bumitaw sa relasyon nila ni Migs. Dahil dito, napagpasyahan na niyang pabayaan nalang ang dalawa.
     Sa pagdaan ng mga araw, tila nanunumbalik na ang alaala ni Migs. Unti-unti itong nanlamig kay Bella. Gusto niyang makita si Joy sa hindi malamang dahilan. Gusto niya itong kamustahin at mahagkan.
     Nang araw na makikipaghiwalay na si Migs, tila alam na ni Bella ang mga susunod nitong sasabihin. Pinalaya na niya ito at sinabing magpakasaya nalang siya.
     Bumisita si Joy sa punong tagpuan nila ni Migs dati kasama ang kanilang kapatid. Nadatnan nilang puputulin na ang puno kaya pinigil niya ito at nagkaroon ng gulo.
     Tumawag si Migs at nalaman ang mga nangyari. Agad itong pumunta at inawat ang away. Doon siya nagtapat muli ngpag-ibig at nangako kay Joy na hindi na sila maghihiwalay pa.

Ibinuod ni:
Jenny Salinasan III-1

Monday, 16 January 2012

Impeng negro
ni Rogelio sicat
 Sa akda ni Rogelio Sicat na Impeng Negro,si Impen ang maitim na agwador sa kanilang lugar na laging inaasar o kinukutya ng kapwa niya agwador na pinangungunahan ni Ogor,ang pinaka hari ng mga batang agwador at sa nangungutya sa pagkatao ni Impen. Ang kaniyang ina naman ay palaging pinaalalahanan si Impen na huwag ng patulan pa si Ogor.

 Umaga na at ginising na ng kaniyang ina siImpen para utusan na bumili ng gatats kina Aling Taba pagkatapos niyang magsahod.kinuha niya ang kamiseta na nagmula sa baul at tinitignan ang kaniyang mga kapatid na iba iba ang ama. Umalis na siya at pumunta na sa batalan upang magsahod.Pagdating niya roon ay nagsimula na si Ogor at ang iba pang kasamahan na kutyain si Impen.Nang makaanim na karga na si Impen ay tanghali na,mainit ngunit hindi ito umaalis sa kaniyang kinauupuan dahil ang mga kasama niyang agwador ay nakasilong sa may tindahan.Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. Napakatagal ng pagkapuno ng balde ni Ogor at nang si Impen na ang sasahod ay galak ang kaniyang nararamdaman.

 Nang siya na ang sasahod ay may bumatok sa kaniya at ito’y si Ogor.Sila ay nagtalo,nag-away ant binigay ang buong lakasa upang labanan ang isa’t-isa. Di kalaunan y si Ogor na ang sumuko.Hindi makapaniwala ang lahat maging siya. Napasuko niya ang kinikilalang hari,ang taong nangungutya sa kanya.At sa pagkakataong yon aytuwa ang naramdaman niya. Ang taong iyon ay naging malakas at napaglabanan ang takot at galit na umigting sa kanya.




Jessica Anne M. So III-1
IMPENG NEGRO
 ni Rogelio Sikat
     Si Impen ang pangunahing tauhan sa kuwento. Dala ng pagiging itim ng kulay ng balat, tinagurian siyang Impeng Negro.
     Naghuhugas siya ng kamay ng pangaralan siya ng kanyang ina. Sinabi nitong huwag n siya muling makipag-away sa mga kapwa nitong agwador.
     Tumungo na si Impen sa igiban. Maya-maya'y naka-anim na siyang karga at may sisenta sentimos sa kanyang bulsa. Nanatili siya sa gripo at tatanghaliin na sa pag-uwi. Nakita niya sa may tindahan si Ogor, isa ring agwador na laging nanunukso at nang-aapi sa kanya.Tulad ng madalas nitong gawin, tinukso siya nito at singitan siya sa pila. Umalis na lang siya upang umiwas sa gulo.
     Pinatid siya ni Ogor ng paalis na siya na dahilan ng kanyang pagkabuwal. Tumama ang kanyang pisngi at nagdugo kaya nagalit siya't nakipagsuntukan kay Ogor. Binugbog siya ng binugbog ni Ogor hanggang sa halos di na niya madama ang mga dagok nito at napuno siya ng poot. Maya-maya'y nanghina na si Ogor hanggang sa tuluyan na na siyang napasuko ni Impen. Ikinagulat ng lahat ana nangyari. Walang naging kibo ang mga tao sa kanyang paligid. Naramdaman niya ng ang kapangyarihan ng sandaling iyon habang tinititigan ang nakabulagtang si Ogor.







Rickson B. Leona III-1

Impeng Negro: Rogelio Sikat

     Si Impeng ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Isa siyang batang tampulan ng tukso sa kanilang pook dahil sa kaniyang pisikal na kaanyuan at sa kwento na rin ng kanilang buhay. Siya kasi ay may maitim na kulay ng balat, sarat ang ilong, at kulot ang kaniyang mga buhok. Isa siyang agwador. Siya ay maglalabing anim na taong gulang na. Samantala si Ogor naman ang itinuturing na kontra bida sa buhay ni Impeng. Si Ogor din ay isang agwador na halaos kasing edad niya lamang, subalit ang kaibahan lamang ay mas matipuno ang pangangatawan nito kaysa kay Impeng. Masasabi din na siya ang siga sa kanilang poopk sapagkat karamihan sa mga agwador doon ay kinatatakutan siya. Siya rin ang mortal na kaaway ni Impeng.
     Bago umalis ng bahay si Impeng patungo sa gripo siya ay pinayuhan ng kanyang ina na huwag ng mkikipag away at huwag ng papatulan si Ogor.
      Habang siya ay nasa daan ay puro pangungutya ang kanyang narinig subalit binaliwala lang niya iyon. Nakarating na siya sa gripo. Pagdating niya doon ay nakita niya ang mga agwador na nakasilong sa isang tindahan kasama na doon si Ogor. Nasa panghuling pila siya noon at napaka tindi na din ng sikat ng araw, dahil sa nandoon si Ogor sa tindahan ay minabuti nah lamang niya na huwag nang sumilong kyat doon na lng siya naupo sa kaniyang balde. Tinawag siya ni Ogor ng may panunukso subalit di niya ito pinansin.
     Nang malapit na si Impeng na umigib doon na naganap ang isang pangyayaring di inaasahan ng lahat. Nagbugbugan silang dalawa, ngunit sa bandang huli ay natalo si Ogor at ito ay napasuko ni Impeng.
     Sa huli napuno ng galak ang buong pagkatao ni Impeng.


Ibinuod ni: Bernadette A. Sanchez
                                                                          ANAK
                                                               ni:Rory B. Quintos


                Ang istorya ay tungkol kay Josie , isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang isang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa kaniyang mga anak upang matustusan ang kanilang pangangailangan at mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
          Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay. Dito nagsimulang masuklam si Carla  sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng isang buwan.. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya.
         Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael  ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.
           Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya.
            Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael.
            Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi.


                                                                                                         Ibinuod ni:
                                                                                                   Vincent F. Moreno 3-1
                                                                                                         

                        

Tanging Ina mo Last na to! Wenn V. Deramas

    Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng termino ni Ina bilang Presidente ng Pilipinas ay inilaan na lang niya ang kanyang oras para sa kanyang mga anak. Sa di inaasahang pangyayayi, isang araw ay dinala siya ng kanyang matalik na kaibigan na nagngangalang Rowena sa ospital dahil nabagok ang kanyang ulo, at doon ay sinabi ng doctor na siya ay may malubhang sakit, may nakitang tumor sa kanyang utak.
     Si Tudis naman ay umuwi ng Canada kasama ang kanyang anak. Sumunod na lamang ang kanyang asawa na si Troy nang ito'y kanya nang susunduin upang bumalik sa Canada. Hindi pumayag si Tudis na sumama sa kanyang asawa, dahil ang gusto nito ay iwan niya ang kanyang anak kay Ina. Kaya't minabuti nalang ni Tudis na hiwalayan si Troy.
     Si Juan naman ay umuwi galing England ngunit hindi niya ito ipinaalam sa kanyang nanay at mga kapatid at sa kanyang pamilya. Isang araw ay may nagpunta sa kanilang bahay upang maningil ng utang ni Juan. Hindi naniwala si Ina na nakautang si Juan dahil ang alam niya ay nasa England siya. Aksidenteng habang nakasakay ni Ina sa kotse ay nakita niyang naglalakad sa kalye si Juan. Bumaba si Ina sa sasakayan at kanyang sinundan kung si Juan nga talaga ang kanyang nakita. At hindi nga siya nagkamali sa kayang nakita. Pinauwi ni Ina si Juan sa kanyang bahay. Dahil sa wala siyang trabaho ay nanirahan si Juan at ang kanyang pamilya kay Ina.
     Si Severina naman ay malapit nang ikasal sa kanyang kasintahan na si William.
     Dahil sa palaging pagtatalo nang mga magkakapatid ay napilitang sabihin ni Ina ang tungkol sa kayang sakit. Sinabi niya na siya ay may tumor sa utak at may taning na ang kanyang buhay. Nalungkot ang kayang mga anak sa kanyang kalagayan. Tinulungan nila si Ina upang mapabilis ang pagpapagamot niya. Inalagaan siya ng kanyang mga anak. Nag-daos sila ng misa para ipagdasal na magamot na ang sakit ni Ina. Habang nagtatalumpati si Ina sa simbahan ay bigala siyang nahimatay. Kaya't itinakbo siya sa ospital. Sinuri siya ng doctor doon. Nagulat ang doctor dahil ang tumor sa utak ni Ina ay bigla nalang nawala. Tuwang-tuwa ang lahat dahil wala nang sakit ang kanilang nanay.
     Samantala, si Rowena naman ay manganganak na rin kaya't nasa ospital din siya. Makalipas ng ilang araw ay pinabinyagan ni Rowena ang kanyang anak. Hindi niya akalain na darating sa binyag ang kanyang asawa. At doon ay nagkabalikan sila ulit ni Frank. Si Severina naman ay ikinasal na sa kanyan kasintahan na si William. Nung una ay ayaw sana ni Ina na pakasalan niya ito. Ngunit nakita ni Ina na masya ang kayang anak sa kanyang kasintahan kaya't hinayaan na lamang niya na magpakasal silang dalawa.






Ibinuod ni:Bernadette A. Sanchez
Impeng Negro 
ni Rogelio Sikat 


   Paggising palang ni Impen ay pinangangaralan na siya ng kanyang ina na huwag na niyang papasinin ang panunukso ni ogor at baka makipag-away lang siya. bilin din ng kanyang ina na dumaan si kay Taba upang bumili ng gatas ng kanilang bunso na si Boy.Si Impen ay may tatlong kapatid si Kano,Boyet at Diding.Siya ay may labing anim na taong gulang na.


     Paglabas niya ng kanilang bahay ay muntik na siyang matalisod at naalala niya kung bakit kumakailan lang ay nag-away sila ni Ogor.Natatanaw niya ang gripo at ang mga gwador na nagkakatuwaan.Nang marating niya ang gripo ay tungo niyang tinungo ang dulo ng pila at pumasok sa kanyang isip na sana'y huwag siyang maging paksa ng pagkakatuwaang iyon.Nakaanim na karga na si Impen.May anim na pong sentimo siya, na siya sumilong sa tindahan dahil naroon si Ogor kaya naupo nalamang siya sa kanyang balde.Ilang sandali lang ay inasar na naman siya ni Ogor.Hindi niya ito pinapansin.Napatuwid ng upo si Impen ng marinig niya ang tinig ni Ogor na nasa kanyang likuran at oras na para ito at sumahod.


     Nang oras na ni Impen para sumahod biglang may dumampi sa kanyang balikat,si Ogor at iginitgit ang balde nito.Dinampot ni Impen ang kanyang balde at aalis na ito nang biglang pinatid siya ni Ogor hanggang sa sila ay magpang-abot at sila ay nag-away na.Sa huli ay si Impen ang nanalo at napasuko sito si Ogor.Sa matinding sikat ng araw,tila siya'y isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.






                                                                                             Ibinuod ni:Daryl B.Nibre III-1

Sunday, 15 January 2012

Ang Panday


ANG PANDAY

Ang Panday ay umiikot sa buhay ng bayaning si Flavio, ang binatang Panday, at ang pakikipagtunggali niya sa halimaw na si Lizardo sampu ng mga kampon nito. Si Flavio ay nakatira sa isang bayan na palagi nang ginagambala ni Lizardo. Mula sa mahiwagang metal na bumagsak mula sa kalawakan ay hinulma ni Flavio ang isang makapangyarihang balaraw (espada). Nakipagtunggali si Flavio kay Lizardo kung saan mapapatunayan kung ang kaniyang mahiwagang balaraw ay mananaig laban sa diabolikong kapangyarihan ni Lizardo. Nag wagi ang kabutihan laban sa kasamaan. Namuhay ng payapa sina Flavio sa kanilang bayan. Ngunit mayroon pang nagbabadyang panganib sa kabila ng tagumpay na ito.


Ibinuod ni:
Juliet Sarmiento
                                                                  Baler
     Ang Baler ay nagsimula sa dalawang magkasintahan na sina Feliza at Celso. Sila ay nagmamahalan ng patago sapagkat si Celso ay isang sundalong Espanyol at si Feliza ay isang Pilipino. Sa panahong ito ay nasa loob ng pananakop ng Espanya ang Pilipinas at nagsimula ang komplikadong pangyayari ng makipagsabwatan ang ama ni Feliza na si Daniel sa kampo nina Collonel Villacorte pinagsama nila ang kanilang samahan.
     Nang kanilang simulan ang paglusob ay nagulat ang mga Espanyol sapagkat wala silang alam sa mangyayari.Si Gabriel naman na kapatid ni Feliza ay tumakas nang sila ay lumilikas upang di madamay sa darating na digmaan. Isang beses habang sila ay nagmimisa sa sobrang gutom ay bumagsak na lamang bigla si padre Candido.Tuwing naghahatid o nagbibigay ang mga Pilipino ng pagkain ay sinasalubong ito ng mga Espanyol gamit ang isang puting bandila at pagdating ng gabi ay napag-utusan sina Lope at Celso na magtungo sa kuta ng mga Pilipino at doon ay sinunog nila ang isang kubo upang mawala ang intension ng mga ito. Habang nagkakasunog ay kinuha nila ang mga manok at iba pang pagkain. Nagkita si Feliza at Celso at doon ay hindi nila napigilan ang isat isa,sila ay nagyakap napansin sila ng ama ni Feliza
     Isang beses pa nga ay nagsagawa ng isang handaan ang mga Pilipino sa harap ng simbahan. Sa pagbibigay ng pagkain ng mga Pilipino ay isang beses na nagpresinta si Feliza na sya ang mag-aabot nito, si Celso naman ang tatanggap. Dumaan ang maraming araw at nalaman ni Celso na si Feliza pala ay pinagbubuntis ang kanilang anak. At dahil doon ay nagplano ang ilang sundalong espanyol na tumakas, noong sila ay tatakas na ay biglang nagising ang kanilang pinuno at bigla namang bumaliktad ang kanyang kasama at sinabing na siya ay gustong tumakas. At dahil doon ay napagpasyahang hatulan ng kamatayan si Celso siya ay pinahirapan at sa kalaunan ay binaril. Halos isang taon din ang nakalipas bago tuluyang sumuko ang mga Espanyol Matapos sumuko ay agad na hinanap ni Feliza si Celso ngunit hindi niya ito natanaw kaya siya tumakbo sa loob ng simbahan at doon niya nakita si Celso na patay na.



                                                                                       Ibinuod ni: Patrick L. Pama III-1

Saturday, 14 January 2012

                                                                          Impeng Negro
                                                                         ni: Rogelio Sikat
               
                    Si Impen  ay isang binatang masipag,maalalahanin at mapagmahal sa kanyang pamilya .Nag-
              tatrabaho siya bilang taga-igib na tubig sa kanyang mga kapit-bahay o mas kilalang tawag na      
              "agwador".Naganap ang kwento sa gripo kung saan nag-iigib ang mga tao ng tubig.

                    Ang mga tauhan dito ay sina Impen na laging nilalait dahil sa kanyang kulay na sobrang itim .
              Si Ogor ay isang matipunong binata at kilalang siga na laging nanlalait kay Impen.Ang kanyang
              ina na laging nagpapaalala kay Impen na wag nalang pansinin ang panlalait sa kanya at ang kanyang  
             mga kapatid na binubuhay at tinustusan.
   
                     Ang suliranin sa kwentong ay ng katangiang taglay ni Impen na laging napapansin na mga tao .
              Tulad ng kulot na buhok ,sarat  na ilong at maitim na kulay ng balat o "NEGRO".

                     Unang nangyari sa kwento ay pinapangaralan siya ng kanyang ina na wag patulan ang nang-
              lalait sa kanya. Nagbilin ang kanyang ina na dumaan kay Taba upang bumili ng gatas para sa
              bunsong kapatid sa si Boy.Umaga na, siya ay nag -igib na at inumpisahan na ang panalalait sa
              kanya. Ang laging niyang naririnig habang siya ay nag-igib ay ang salitang "NEGRO".
                   
                      Natapos ng mag-igib ni Ogor at hinatid niya ito madaling nakabalik sa pila si Ogor at pilit
              na inaagaw ang pila kay Impen.Hindi naman basta-basta binigay ni Impen ang pila at doon nag-
              simula ang kanilang away .Bandang huli nagwagi si Impen laban kay Ogor sumuko ang kinikilalang
             siga sa kanilang lugar.
     
                      May aral din tayong makukuha sa kwentong ito na wala sa lahi at sa kulay ,lahat ng tao'y
               pantay-pantay ,bawat isa'y may angking taglay,Diyos ang nagpala at nagbigay.



                                                                                                                  Ibinuod ni:
                                                                                                            Vincent F. Moreno
                                                                                                                       |||-1
    Impeng Negro 
  ni Rogelio Sikat 
   
     Ang akdang Impeng Negro ni Rogelio Sikat ay umiikot sa pangaasar ni Ogor at ang iba pang agwador kay Impen.Si Impen ay isa ring agwador,kahit na siya ay isang agwador hindi siya katulad ni Ogor na mahilig makipagbasag ulo bagkus siya ay may busilak na puso, may pagmamahal sa mga kapatid at sa kanyang ina.Si Impen ay may tatlong kapatid si Kano, Boyet, at si Diding.Sa kanilang tatlo siya lang ang nagiisang maitim ang balat.
      Nagsimula ang kwento noong umaga inutusan si Impen ng kanyang ina na mag igib ng tubig kasi mahina na kangyang ina
      Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito,agad siya nitong tinatawag na negro.Nang si Impen na ang sasahod ng balde sa gripo agad itong inagaw ni Ogor . Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.
      Papaalis na sana si Impen subalit pinatid siya ni Ogor .Nabuwal si Impen. Tumama ang kanyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagsuntok kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na pagsuntok ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ito ng lahat.

                                                                                       Ibinuod ni: Patrick L. Pama   III-1


Tanging Yaman


     Ang Tanging Yaman at nagkukuwento ng isang pangyayari na sisira sa buhay at kinabukasan ng dalawang pamilya. Isang pamilya ang yayaman ngunit ang isa ay maghihirap. Si Fina at ang kanyang ate na si Marina ay mamumuhay nang mahirap. Samakatuwid, si Isabel , pamangkin ni Pangulo Juan Policarpio ay lalaki bilang ang Unang Anak ng bansa dahil inakalang namatay ang anak nila sa isang sunog sa Zambales. Malipas ang maraming mga taon, nalaman si Fina ang tunay na anak ng Pangulo sa pamamagitan ng isang DNA Testing. Hindi magiging madali kay Fina ang pagiging anak ng Pangulo, nang siya ay sumama sa kanyang tunay na mga magulang dahil siya ay makikipagsaplaran sa kanyang pinsang si Isabel at ang kanyang ina na gustong bawiin ang dating katayuan niloa sa Unang Pamilya. Si Fina ay may gusto sa anak ng Ikalawang Pangulo, si Josemaria "Jomari" Buenavista na ang matalik na kaibigan ni Isabel na may lihim na gusto rin kay Jomari habang ang ina ni Isabel at ang kuya ni Jomari na si Diego ay umiibig sa isa't isa. Habang tumatagal ang kuwento, matutuklasan nila ang katiwalian ng panunungkulan ng Ikalawang Pangulo.
     Habang nasusunong ang isang pagamutan, si Marcela ay nanganak nang hindi sinasadya sa isang batang babae. Si Soledad din ay nanganak ngunit namatay matapos. Nagkagulo at nahiwalay si Marcela sa kanyang anak. Ang kanyang anak ay nasa tabi ni Soledad at dumating si Marina, ang anak ni Soledad. Sa pag-iisip na ang kanyang nakababatang kapatid ang nasa tabi ni Soledad, kinuha niya ang sanggol palabas ng nagkakagulong pagamutan.
     Samantala, pinakiusapan ni Marcela si Emil na hanapin ang kanyang kasisilang na sanggol. Sa kasamaang palad, ito'y kinamatay ni Emil na nagdulot ng pagka-biyuda ni Leona at pagkawala ng ama ni Isabel. Habang inililigtas ni Apol, asawa ni Soledad ang ibang tao at mga kapamilya niya sa kapamahakan, nakakita siya ng mananakaw na pera sa isang tabi. Inakala niyang makatutulong ito nang sobra sa kanyang pamilya, ngunit nahuli siya ng pulis. 
    Nang tumigil ang sunog, binigyan ni Solomon "Sol" Buenavista si bumbero Juan Policarpio ng pasasalamat nang inakala niyang iniligtas niya ang mga tao sa pagamutan, kasama na mismo si Solomon. Hindi nag-atubiling bigyan si Juan ng isang bagong bahay na kasama ng isang pangako na gagawin niya ang lahat para maalis siya sa kahirapan. Sa kabaligtaran, si Marina at ang sanggol na anak ni Marcela na si Fina ay nakaranas ng pinakamasamang malas sa mundo. Bukod sa papgiging alipin bigla, napunta sila sa pangangalaga ng ama ni Epi.
      Nagyon na si Juan ay nagiging kilala sa masa, si Sol, na isang umuusbong na politiko ng bansa ay nagdesisyon na kumbinsihin si Juan (na senador noon na tatako sa pagkapangulo) na maging kanyang kasama para matupad ang kanyang inaasam. At sa inaasahan ni Sol, ang kanilang pagsasama ay naging kilala sa masa na ang kinalabasan ay ang dating bumbero ay naging Pangulo ng Pilipinas. Ngunit sa kanyang napakalaking kapangyarihan, si juan ay nananatiling mapagkumbaba at mabait sa lahat ng oras. Sa kabilang dako, si Isabel ang naging Unang Anak at sina Isabel at Fina ay natanggap sa parehong pamantasan at mula noon, ang kanilang hiwalay na kuwento at nagsimula.

                                                                                                                                                                                     Ibinuod ni:
                                                                                                          Micky H. Peralta



                                                              Impeng Negro
                                            ni Rogelio Sikat

    Ang akdang Impeng Negro ni Rogelio Sikat ay umiikot sa katauhan ni Impen. Si Impen ay isang kulot ang buhok, pango at negro. Si Ogor ay isang agwador na walang ibang ginawa kundi asarin at maliitin si Impen kasama ang kanyang mga kaibigan.
    Ang kwento ay nagsimula noong umaga , si Impen ay  mag-iigib na.Lagi siyang pinaaalalahanan  at binabalaan ng kanyang ina tungkol sa kanila ni Ogor, ang hari ng gripo.
   Ang panunukso sa kanya ay natanggap na niya dahil iyon naman talaga ang totoo. Ngunit nang matanggap na ang katotohanan, naalala niya ang kanyang ama na  isang sundalong negro na nawala sa Pinas ng siya'y pinanganak. Ang hindi lang matanggap ni Impen ay ang panunukso ng pinagmulan ng nakaraan . Ang tungkol sa kanyang ina dahil sari-sari ang kanyang nagiging kapatid at laging iniiwan ang kanyang ina kapag naanakan na at ang bansag sa kanyang ina ay "asawa ng bayan". Masakit para sakanya ang kanyang naririg tungkol sa kanyang ina ngunit wala na siyang magagawa at iyon din ang dahilan kaya hindi na lumalabas ang kanyang ina at hindi na muling naglabada pa.
   Habang papunta na si Impen sa gripo, mula sa bintana ng mga barungbarong,nakikita niyang nagsusulputan ang mga ulo ng mga bata at tinituro siya ng mga iyon at ang mga matatandaay napatingin sa kanya. Wala mang sinasabi ang mga ito ngunit halatang -halata sa kanila -kanilang mga labi nababasa ang kanilang isinisigaw: Negro!
   Napatungo na lamang siya.
   Natatanaw na niya ngayon ang gripo na makita niya si Ogor at ang iba pang agwador na nagkukulitan at nagtatawanan, napaisip siya na huwag sanang mabaling ang atensyon sakanya sapagkat alam ni Impen na tutuksuhin lang siya ng mga ito.
   Naroon na si Impen ngunit nasa hulihan siya ng pila, ang ibang agwador ay nasa tindahan upang mabawasan ang init na nararamdaman.Samantala, si Impen naman ay nagtitiis sa init ng araw . Maya-maya'y may nrinig siyang tinig at mula iyon sa tindahan dahil naroon si Ogor pati na ang ibang agwador.
    Narinig niya ang panunukso ng mga ito ngunit hindi na lamang niya ito pinansin dahil naalala niya ang bilin ng kanyang ina.
    Tapos na si Ogor na sumahod at panahon na ni Impen para siya na ang sumahod sa gripo at punuin ang kanyang balde ngunit naramdaman niya sa kanyang balikat ang makapangyarihanat mabigat na kamay at si ogor ang kanyang natingala. malapit lamang ang pinaghatidan ni Ogor ng tubig.
    Dahil gutom na si Ogor iginitgit niya ang balde at si Impen ay ginitgit din ito namay halong takot.Pauwina si Impen at lumakad siya para kunin ang balde ngunit bigla siyang pinatid ni Ogor.Nabuwal siya.Tumama ang kangyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde.Nagtamo ng sugat ang kanyang pisngi,bigla siyang may naramdaman na kung ano at nakalimutan niya ang payo ng kanyang ina at dahil doon nagsimula ng ang awayan at  bugbugan nila ni Ogor.Sa labanang iyon ni Impen ang tagumpay,napasuko niya si Ogor na matagal na niyang pinapangarap.
    Sa matinding sikat ng araw.Tila isa siyang mandirigmang sugatan ngunit nakatindig sa pinagwagiang larangan.
                                                                   
                                                                                                                   
                                                                                                           Ibinuod ni:
                                                                                                           Micky H. Peralta III-1










Saturday, 7 January 2012

PANGKAT 3


“ DEKADA ’70 ”
ni Lualhati Bautista
        Hinarap ng pamilyang Bartolome ang pagbabago na nagbibigay ng kapangyarihan ubang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Pinagbibidahan ito ni Vilma Santos na gumanap bilang Gng. Amanda Bartolome at si Christopher de     Leon naman bilang inhinyerong asawa ni Amanda na si G. Julian Bartolome Sr. Lima ang anak ng mag-asawa na puro lalaki : panganay si Jules (Piolo Pascual) na isang kabataang aktibista na sumali sa rebeldeng NEW PEOPLE’S ARMY at pagkatapos ay nagging bilanggong pulitikal , si Gani ( Carlos Agassi ) sa batang edad ay nakabuntis ng babae , si Em (Marvin Agustin )  isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili , si Jason ( Danilo Barrios ) ay nagging biktima ng salvaging at si Bingo ( John W. Sace ) ay maaga pa ay nagmamasid sa mga masasamang nangyayari sa kanilang mag-anak.
   
          Ang tagpuan ng pelikulang ito ay noong kapanahunan ng Batas Militar sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1970, Ang Republika ng Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Noong Setyembre 21 , 1972 idineklara ni Marcos ang Batas Militar na naglagay sa Pilipinas sa pamamalakad ng  mga Hukbong Sandatahan ng Pilipinas .
          
    Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa .
          Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:  "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…"
          Sa pagkakaalam niya , ito rin ang madalas isipin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Ang panay na sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api? Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
           Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal.  
       
                                                                                                                                               IBINUOD NI:
                                                                                                                                  MA. THERESA G. SEBANDAL

PANGKAT 3

“IMPENG NEGRO”

ni Rogelio Sikat


Si Impen ay 16 taong gulang , maitim ang kulay ng balat , may mga kapatid sa ibang ama na sina Kano , Boyet at Diding. Isa siyang agwador o taga-igib ng tubig. Ang in ani impen ay iniwan ng huling asawa habang ipinagbubuntis ang bunsong kapatid. Si Ogor naman ang matipunong agwador na lagging nanunukso at nang-aapi kay Impen at iyong iba ring agwador.
Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.

           Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor.

           Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

          Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.


IBINUOD NI:

MA. THERESA G. SEBANDAL

Friday, 6 January 2012

Impeng Negro
ni Rogelio Sikat
           
Nag-iisang anak. Putok sa Buho. Buong buhay ni Impen dala-dala ang kalungkutang nakakapit sa balat niya. Pinagtatawanan siya dahil sa kanyang kulay. Isa siyang negro. Wala siyang kaibigan, pero maraming kaaway. Lagi siyang pinagkakatuwaan ng mga batang kapitbahay sa squatter area. Pinakamatinding kalaban niya si Ogor.

Humithit si Impen mula sa kinakapa-kapang sigarilyo. Kasalukyan niyang sinasamahan si April Boy patungo sa pupuntahang Boss. Inaalala niya ang lahat ng paghihirap niyang pinagdaanan bago marating ang sinwerteng pagkakataong maging bahagi ng kasamahang kinabibilangan niya ngayon. Hindi niya magawang sabihin ito kay April Boy: "Magkatulad tayo, April. Pareho tayong Pinipigilan ng mga taong naiinggit sa atin." Bumuga siya ng usok.


Nagawa ni Impen ang inaakala niyang hindi maaari: Nagapi niya si Ogor. Paulit niyang pinagdadadagok ang kalaban. Dagok. Dagok. Dagok. Sumusuka na ng dugo ang batang nakahilata habang walang tigil na nagpapatuloy si Impen. Napansin ng batang dumadagok ang pambihirang paglaki ng kamao niya. Nag-umpisang magsigawan ang mga manonood na nagpipila-balde. Nawalan si Ogor ng hininga. Pinuksa ni Impen ang walang kalaban-labang bata. Naisipan ni Impen ang pagtakas.. Tumakbo siya. Tumakbo siya nang tumakbo hangga't sa halos hindi na siya makahinga. Tumigil siya sa isang madilim na eskinita. Hindi niya napansin ang palapit na paglubog ng araw. Tumigil sa tabi niya ang isang itim na limousine. Misteryosong lalaki ang lumabas mula sa pintuan nito. Pormal na amerikana ang suot niya. Puting-puti ito. "Impen, sa wakas nagkatagpo rin tayo." Hinihingal na sumagot si Impen, "Si-sino ka?" 
"Ako si Ginoong Snow." 
"Pa'no mo ako nakilala?" Paunti-unting bumagabagal ang paghinga ni Impen. 

Malayo na ang narating ni Impen mula sa araw na iyon. Tadhana ang naiisip niya tuwing inaalala ang kanyang nakaraan. Tagumpay para sa kanya ang maging natatanging miyembro ng Sikretong Samahan.


                                                                       Ibinuod ni:
                                                     Charlene Sierra (lll-1)