ni Rogelio Sikat
Ang akdang Impeng Negro ni Rogelio Sikat ay umiikot sa katauhan ni Impen. Si Impen ay isang kulot ang buhok, pango at negro. Si Ogor ay isang agwador na walang ibang ginawa kundi asarin at maliitin si Impen kasama ang kanyang mga kaibigan.
Ang kwento ay nagsimula noong umaga , si Impen ay mag-iigib na.Lagi siyang pinaaalalahanan at binabalaan ng kanyang ina tungkol sa kanila ni Ogor, ang hari ng gripo.
Ang panunukso sa kanya ay natanggap na niya dahil iyon naman talaga ang totoo. Ngunit nang matanggap na ang katotohanan, naalala niya ang kanyang ama na isang sundalong negro na nawala sa Pinas ng siya'y pinanganak. Ang hindi lang matanggap ni Impen ay ang panunukso ng pinagmulan ng nakaraan . Ang tungkol sa kanyang ina dahil sari-sari ang kanyang nagiging kapatid at laging iniiwan ang kanyang ina kapag naanakan na at ang bansag sa kanyang ina ay "asawa ng bayan". Masakit para sakanya ang kanyang naririg tungkol sa kanyang ina ngunit wala na siyang magagawa at iyon din ang dahilan kaya hindi na lumalabas ang kanyang ina at hindi na muling naglabada pa.
Habang papunta na si Impen sa gripo, mula sa bintana ng mga barungbarong,nakikita niyang nagsusulputan ang mga ulo ng mga bata at tinituro siya ng mga iyon at ang mga matatandaay napatingin sa kanya. Wala mang sinasabi ang mga ito ngunit halatang -halata sa kanila -kanilang mga labi nababasa ang kanilang isinisigaw: Negro!
Napatungo na lamang siya.
Natatanaw na niya ngayon ang gripo na makita niya si Ogor at ang iba pang agwador na nagkukulitan at nagtatawanan, napaisip siya na huwag sanang mabaling ang atensyon sakanya sapagkat alam ni Impen na tutuksuhin lang siya ng mga ito.
Naroon na si Impen ngunit nasa hulihan siya ng pila, ang ibang agwador ay nasa tindahan upang mabawasan ang init na nararamdaman.Samantala, si Impen naman ay nagtitiis sa init ng araw . Maya-maya'y may nrinig siyang tinig at mula iyon sa tindahan dahil naroon si Ogor pati na ang ibang agwador.
Narinig niya ang panunukso ng mga ito ngunit hindi na lamang niya ito pinansin dahil naalala niya ang bilin ng kanyang ina.
Tapos na si Ogor na sumahod at panahon na ni Impen para siya na ang sumahod sa gripo at punuin ang kanyang balde ngunit naramdaman niya sa kanyang balikat ang makapangyarihanat mabigat na kamay at si ogor ang kanyang natingala. malapit lamang ang pinaghatidan ni Ogor ng tubig.
Dahil gutom na si Ogor iginitgit niya ang balde at si Impen ay ginitgit din ito namay halong takot.Pauwina si Impen at lumakad siya para kunin ang balde ngunit bigla siyang pinatid ni Ogor.Nabuwal siya.Tumama ang kangyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde.Nagtamo ng sugat ang kanyang pisngi,bigla siyang may naramdaman na kung ano at nakalimutan niya ang payo ng kanyang ina at dahil doon nagsimula ng ang awayan at bugbugan nila ni Ogor.Sa labanang iyon ni Impen ang tagumpay,napasuko niya si Ogor na matagal na niyang pinapangarap.
Sa matinding sikat ng araw.Tila isa siyang mandirigmang sugatan ngunit nakatindig sa pinagwagiang larangan.
Ibinuod ni:
Micky H. Peralta III-1
No comments:
Post a Comment