Friday, 6 January 2012

Pagbuod ng Kwento

Impeng Negro
 ni Rogelio R. Sicat


    Tampulan ng tukso si Impeng ang pangunahin tauhan sa kwento. Naiiba kasi ang kanyang panlabas na anyo sa iba niyang kapatid. Kilala siya sa bansag na " Impeng Negro" sa kanilang lugar. Masakit man sa kanyang kalooban ang mga ito, natutunan niyang tanggapin dahil ito ang katotohanan na hindi niya maitatanggi.
    Nagsimula ang kwento sa bahay nila Impeng.Pinaalahanan ng kanyang Ina si Impeng na huwag na ulit makikipag-away kay Ogor. At sinabi ng Ina na huwag na lang pansinin ang pangugutya ni Ogor sa kanya. Bago siya umalis ng kanyang tahanan upang tumungo sa gripo, ibinilin ng kanyang ina na dumaan s'ya kay Aling Taba para bumili ng gatas ni Boy.
    Nasa gripo na si Impeng. Nakita n'ya ang mga agwador at si Ogor na nagtatawanan at nagkukulitan. Nang makita n'ya ang mga ito humiling siya na sana hindi mabaling ang atensyon nito sa kanya sapagkat pagtatampulan na naman siya ng tukso.
    Tanghali na at marami-rami na rin ang kanyang naipong pera sa pag-iigib. Tirik na tirik ang sikat ng araw at nais sana ni Impeng na sumilong sa tindahan subalit nakatambay roon sina Ogor at ang iba pang agwador. Tiniis n'ya na lang ang mataas na sikat ng araw. Subalit ramdam na ramdam niya ang init na dumadampi sa kanya katawan kasabay ang panunukso ni Ogor sa kanya.
   May dumampi sa kanyang likuran at iyon ay si Ogor na oras na para sumahod. May naramdamang kagalakan si Impeng sapagkat sa oras na mapuno ang balde ni Ogor ay aalis na rin ito. Subalit laking gulat niya na nakabalik na kaagad si Ogor sa kadahilanang malapit lang ang pinaghatiran nito. Pinilit agawin ni Ogor  ang pila sa kanya. Nagtalsikan ang mga balde at natapon ang tubig. Nagpasya na lang siya na umuwi subalit pinatid siya ni Ogor na dahilan ng pagkasugat ng kanyang pisngi. Napabulyaw ito kay Ogor subalit bugbog ang isinagot nito. Dehado sa una si Impeng subalit naalala niya lahat ng pangungutya sa kanya at sa kanyang ina ng mga tao at ito ang nagpalakas sa kanya. Ibinuhos ni Impeng ang kanyang lakas na dahilan kaya't nawalan ng panimbang si Ogor. 
    Sa huli, napasuko ni Impeng si Ogor. Gulat na gulat ang mga nakasaksi sa katatagan at katapangang ipinamalas ng binata.Na parang isang mandirigma na nagwagi sa napiling larangan.


Ibinuod ni: Jimson R. Madrona III-1


Pagbuod ng Pelikula



Ded Na Si Lolo

    Nagsimula ang kwento nang maibalita kay Charing (Manilyn Reynes) ang pagkamatay ng kanyang ama. Dahil sa pangyayaring ito, mababakas sa pamilya ang matinding kalungkutan at epekto nito sa kanila. Lalong-lalo na sa bunsong anak ni Charing na si Bobet (BJ Forbes). Isa-isang dumating ang magkakapatid sa bahay ni Mameng (Gina Alajar) na kung saan nakaburol ang kanilang ama. Dumating sina Charing (Manilyn Reynes), Dolores (Elizabeth Oropesa), ( Dick Israel) at dito na rin nagsimula ang mga tradisyon nating Pilipino sa mga patay. Maraming mga kaugalian ang ipinakita ng magkakapatid. Makikita din sa pelikula ang away nina Dolores at Mameng na nag-ugat sa pagiging batugan ng asawa ni Mameng na umaasa lang sa yumao nilang ama na sobrang ikinagalit ni Dolores. Kasama rin ang isyung pinatira ng ama nila sila Mameng sa bahay imbis na si Dolores.
    Hindi naman nila inaasahan ang pagdating ni Junie (Roderick Paulate) ang kapatid nilang binabae. Agaw atensyon si Junie sapagkat nang dumating ito ay nakasuot siya ng red na gown na ikinagalit naman ng kanyang kapatid na sa kanilang paniniwala masamang magsuot ng pula kapag may patay. Si Junie ang laging kumukontra sa mga tradisyong ginagawa ng kanyang kapatid dahil alam n'yang hindi naman totoo ang mga ito. Makikita din ang kasiyahan sa kabila ng pagdadalamhati ng magkakapatid sapagkat naaalala nila ang masasayang pangyayari lalong lalo na ang pakakahimatay nila.
    Mas gumanda ang kwento nang may pumuntang matandang babae na nagngangalang Pilar na ito pala ang unang asawa ng kanilang ama. Tanging si (Dick Israel) lang ang nakakaalam ng sikretong ito. Subalit hindi nagtagal ay nalaman din ito ng magkakapatid kasabay ang paglabas ng kanilang kapatid sa labas na si Socorro. Tinanggap nila si Socorro kasabay na rin ng pagbabati nina Mameng at Dolores. Napawi na rin kasi ang sama ng loob ni Dolores sa kanyang ama sapagkat noong bata pa siya ay hindi man lang niya naramdaman ang pagmamahal nito.
    Habang inililibing ang kanilang ama mababatid naman kay Bobet ang kalungkutan sapagkat ito na ang huling pagkakataon na masisilayan niya ang kanyang pinakamamahal na lolo.


Ibinuod ni: Jimson R. Madrona III-1






No comments:

Post a Comment