PANGKAT 3
“ DEKADA ’70 ”
ni Lualhati Bautista
Hinarap ng pamilyang Bartolome ang pagbabago na nagbibigay ng kapangyarihan ubang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Pinagbibidahan ito ni Vilma Santos na gumanap bilang Gng. Amanda Bartolome at si Christopher de Leon naman bilang inhinyerong asawa ni Amanda na si G. Julian Bartolome Sr. Lima ang anak ng mag-asawa na puro lalaki : panganay si Jules (Piolo Pascual) na isang kabataang aktibista na sumali sa rebeldeng NEW PEOPLE’S ARMY at pagkatapos ay nagging bilanggong pulitikal , si Gani ( Carlos Agassi ) sa batang edad ay nakabuntis ng babae , si Em (Marvin Agustin ) isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili , si Jason ( Danilo Barrios ) ay nagging biktima ng salvaging at si Bingo ( John W. Sace ) ay maaga pa ay nagmamasid sa mga masasamang nangyayari sa kanilang mag-anak.
Ang tagpuan ng pelikulang ito ay noong kapanahunan ng Batas Militar sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1970, Ang Republika ng Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Noong Setyembre 21 , 1972 idineklara ni Marcos ang Batas Militar na naglagay sa Pilipinas sa pamamalakad ng mga Hukbong Sandatahan ng Pilipinas .
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa .
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran: "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…"
Sa pagkakaalam niya , ito rin ang madalas isipin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Ang panay na sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api? Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal.

IBINUOD NI:
MA. THERESA G. SEBANDAL
No comments:
Post a Comment