Impeng Negro
ni Rogelio Sikat
Nag-iisang anak. Putok sa Buho. Buong buhay ni Impen dala-dala ang kalungkutang nakakapit sa balat niya. Pinagtatawanan siya dahil sa kanyang kulay. Isa siyang negro. Wala siyang kaibigan, pero maraming kaaway. Lagi siyang pinagkakatuwaan ng mga batang kapitbahay sa squatter area. Pinakamatinding kalaban niya si Ogor.
Humithit si Impen mula sa kinakapa-kapang sigarilyo. Kasalukyan niyang sinasamahan si April Boy patungo sa pupuntahang Boss. Inaalala niya ang lahat ng paghihirap niyang pinagdaanan bago marating ang sinwerteng pagkakataong maging bahagi ng kasamahang kinabibilangan niya ngayon. Hindi niya magawang sabihin ito kay April Boy: "Magkatulad tayo, April. Pareho tayong Pinipigilan ng mga taong naiinggit sa atin." Bumuga siya ng usok.
Nagawa ni Impen ang inaakala niyang hindi maaari: Nagapi niya si Ogor. Paulit niyang pinagdadadagok ang kalaban. Dagok. Dagok. Dagok. Sumusuka na ng dugo ang batang nakahilata habang walang tigil na nagpapatuloy si Impen. Napansin ng batang dumadagok ang pambihirang paglaki ng kamao niya. Nag-umpisang magsigawan ang mga manonood na nagpipila-balde. Nawalan si Ogor ng hininga. Pinuksa ni Impen ang walang kalaban-labang bata. Naisipan ni Impen ang pagtakas.. Tumakbo siya. Tumakbo siya nang tumakbo hangga't sa halos hindi na siya makahinga. Tumigil siya sa isang madilim na eskinita. Hindi niya napansin ang palapit na paglubog ng araw. Tumigil sa tabi niya ang isang itim na limousine. Misteryosong lalaki ang lumabas mula sa pintuan nito. Pormal na amerikana ang suot niya. Puting-puti ito. "Impen, sa wakas nagkatagpo rin tayo." Hinihingal na sumagot si Impen, "Si-sino ka?"
"Ako si Ginoong Snow."
"Pa'no mo ako nakilala?" Paunti-unting bumagabagal ang paghinga ni Impen.
Malayo na ang narating ni Impen mula sa araw na iyon. Tadhana ang naiisip niya tuwing inaalala ang kanyang nakaraan. Tagumpay para sa kanya ang maging natatanging miyembro ng Sikretong Samahan.
No comments:
Post a Comment