Si Impeng ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Isa siyang batang tampulan ng tukso sa kanilang pook dahil sa kaniyang pisikal na kaanyuan at sa kwento na rin ng kanilang buhay. Siya kasi ay may maitim na kulay ng balat, sarat ang ilong, at kulot ang kaniyang mga buhok. Isa siyang agwador. Siya ay maglalabing anim na taong gulang na. Samantala si Ogor naman ang itinuturing na kontra bida sa buhay ni Impeng. Si Ogor din ay isang agwador na halaos kasing edad niya lamang, subalit ang kaibahan lamang ay mas matipuno ang pangangatawan nito kaysa kay Impeng. Masasabi din na siya ang siga sa kanilang poopk sapagkat karamihan sa mga agwador doon ay kinatatakutan siya. Siya rin ang mortal na kaaway ni Impeng.
Bago umalis ng bahay si Impeng patungo sa gripo siya ay pinayuhan ng kanyang ina na huwag ng mkikipag away at huwag ng papatulan si Ogor.
Habang siya ay nasa daan ay puro pangungutya ang kanyang narinig subalit binaliwala lang niya iyon. Nakarating na siya sa gripo. Pagdating niya doon ay nakita niya ang mga agwador na nakasilong sa isang tindahan kasama na doon si Ogor. Nasa panghuling pila siya noon at napaka tindi na din ng sikat ng araw, dahil sa nandoon si Ogor sa tindahan ay minabuti nah lamang niya na huwag nang sumilong kyat doon na lng siya naupo sa kaniyang balde. Tinawag siya ni Ogor ng may panunukso subalit di niya ito pinansin.
Nang malapit na si Impeng na umigib doon na naganap ang isang pangyayaring di inaasahan ng lahat. Nagbugbugan silang dalawa, ngunit sa bandang huli ay natalo si Ogor at ito ay napasuko ni Impeng.
Sa huli napuno ng galak ang buong pagkatao ni Impeng.
Ibinuod ni: Bernadette A. Sanchez
No comments:
Post a Comment